Ang beer ay hindi
nagpapalaki ng katawan at lalo na hindi nagpapalaki ng tiyan. Ang abdominal
obesity ay tawag kapag malaki ang tiyan.
Nagkakaroon ka nito kung ang kinokonsumo mong pagkain ay higit sa nagagamit mo
sa araw araw. Naiipon ang calories at iba pang nutrients sa tiyan mo. Typical
itong abdominal obesity sa kukunti lang ang ginagawa o mas marami ang kinakain
at iniinom. Yes, kinakain at iniinom at hindi lang beer. Kagaya ng nabanggit,
lahat ng higit sa nagagamit mong nutrients ang kinokunsumo mong pagkain ang
dahilan para magkaruon ka ng belly. Kung ayaw mo ng ganito ay dapat tama lang
ang kinakain mo. Kumain lamang kapag gutom o kailangan mong kumain. Kung takam
ka talaga sa pagkain ay mag-exercise para magamit mo lahat ng energy produce ng
katawan mo.
Being overweight
is unhealthy
Ang sabi ng
karamihan na ang pagiging overweight o mataba ay unhealthy. Hindi totoo na
kapag mataba na ang tao ay hindi na malusog. Ayon sa pag-aaral, ang mga tao na
10-15 pounds overweight ay mas mahaba pa ang buhay pa ng matagal kaysa sa mga
normal weight na tao. Magiging masama lamang ang pagiging mataba kung ang isang
tao ay mahigit 30 pounds na ang bigat sa pagiging normal.
Ang isang tao na
may 30 pounds higit sa normal na timbang ay may malaking tiyansa na magkaroon
ng malalang sakit sa puso at iba pang sakit na konektado sa ating puso. Kung
ikaw ay overweight ng mahigit 30 lbs, ikaw ay dapat magkaroon ng ehersisyo para
mabawasan ang timbang. Bawasan mo din ang mga pagkain na bawal sa iyo.
Starving loses
less weight than light dieting
Malaki ang
pinagkaiba at epekto ng starving at light dieting. Ang starvation diet ay may
hindi magandang epekto sa pagbabawas ng timbang. Ang ating katawan ay may
natural na panlaban sa kagutuman. Kapag nagugutom tayo ay mas “less” ang
nagagamit natin na energy. Nagko-conserve naturally ang ating katawan at hindi
nito pinapagamit lahat ng energy kaya tayo nanghihina kapag gutom. Ang ibig
sabihin nito ay hindi epektibo ang starvation para bawasan ang timbang at maari
pa tayong makahanap ng iba’t ibang sakit gaya ng ulcer at pagkakaroon ng heart
burn.
Bawasan lang ang
pagkain ninyo kung feeling mo ay sobra ang kinakain mo. Light diet ang gawin at
huwag magpagutom ng husto. Mas marami ka pang magagamit na energy para maglakad
at gumawa ng nais mong gawin katulad ng paglalakad o paggawa ng gawaing bahay
na maaring exercise mo din. Mas makakabawas ka ng timbang kung ganoon. Marami
nang libro at article sa tamang diet. Subukan mong magbasa at gawin para sa
tamang diet para makaiwas sa malubhang karamdaman dulot ng starvation.
No comments:
Post a Comment