Getting Started
Ang pinakamahirap
sa exercise plan ay paano magsimula. Ito ang mga ilang idea para makapag-umpisa
ka ng tama:
Setting your mind – ang exercise ay magbibigay sayo ng
improvement pagdating sa pagtingin mo sa sarili, ano ang nararamdaman mo sa
iyong sarili at paano ka makikitungo sa ibang tao.
Have a good mental image – imagine ang iyong sarili kung ikaw ay
may regular na exercise.
Setting priorities – dapat mas nauuna sa listahan mo ang
exercise kaysa sa ibang gawain na hindi gaano ka-importante.
Take it easy – huwag pahirapan ang sarili. Madadaan ito
sa step by step process.
Doctor’s advise – bago pa man ang lahat, magpasuri muna sa
iyong doctor lalo na kung ikaw ay may health problem.
The Level Way to Work Out
Sa lahat ng bagay
tungkol sa exercise ay dapat nagsisimula sa mas magagaan na gawain bago ang
mahihirap na level. Kapag inumpisahan muna sa magaan ay hindi na gaanong
mahirapan sa susunod na level. Kung kayo ay susunod sa tamang exercise ay
maiiwasan ninyo ang pag-overwork ng muscle na magbibigay sa inyo ng matinding
sakit ng katawan na dahilan upang kayo ay sumuko na at hindi ituloy ang
exercise.
Unang Level
Ang mga simpleng
exercise na maari mong gawin na hindi na kailangan na pumunta sa gym ay
paglalakad. Madami na ang nagsabi ng ganitong payo pero ito ay talaga epektibo
at hindi magastos. Magiging maganda ang iyong lifestyle at magkakaruon ka pa ng
regular na exercise kung gagawin mo ito. Hangga’t maari ay humanap ng paraan
upang makapaglakad lalo na kung kayo ay madaming oras.
Pangalawang Level
Bukod sa
paglalakad at paghahanap ng paraan para maglakad, humanap naman ngayon ng
kaunting panahon para magstretching. Maglaan ng ten minutes para sa stretching
sa umaga para energized ka na simula pa lang ng araw. Magstretching ka kapag
ikaw ay tinatamad ng gumawa ng trabaho mo sa opisina para mabuhayan ka. Ten
minutes lang na exercise ay malaking tulong na kung ginagawa mo ito araw araw.
Pangatlong Level
Sa pangatlong
level, gawin 20 minutes na ang exercise araw araw. Huwag subukan na
mag-exercise ng 40 minutes ng isang araw para lagpasan ang isang araw na walang
exercise. Maging consistent sa 20 minutes. Kung sa pangalawang level ay
stretching lang ang ginagawa mo, sa pangatlong level ay dagdag mo ng mas madami
klase ng exercise. Kung feel mo sumayaw, maari mong gawin ito ng 20 minutes.
Kung gusto mo naman ng magkaruon na magandang muscle ay light weights ang gawin
mo.
Maari mong gawin
ang 20 minutes exercise sa time na gusto mo. Maaring sa umaga para energized ka
na sa buong maghapon na trabaho o sa gabi para matanggal ang stress mo at
madali ka ng antukin para makapagpahinga na.
No comments:
Post a Comment